Sunday, October 19, 2008

SOUTHERN CALIFORNIA

Ako si Antonio, dating taga Chicago
Nagsawa sa lamig at sapin-saping snow
Lumipat sa Fresno, dala ng pagkakataon
Yun pala naman ay sobra ang init doon.

"Lipat tayo sa LA..." ang sabi ko kay Ampy
Mahusay na trabaho, nasa malaking city kasi
Marami doong makikita at mapapasyalan
Magagandang tanawin, panahon ay ayos lang.

Pero...

Talaga palang Wild Wild West dito sa LA
Drive-by shooting at car chases sa freeway
Madalas na mapanood ang mga ito sa TV
Hindi movies ito, kundi tunay na nangyayari.

Narito ang Disneyland, Universal Studios at Hollywood
At iba pang mapupuntahan hanggang abutin ng pagod
Dito'y marami ding nagbabakasaling maging artista
Kasabihan nga hindi ba, kahit ipakain sa buwaya.

Sobra naman ang presyo ng real estate dito
Paano ka namang makakabili, kung maliit ang sweldo?
Baka naman nagdidildil ang iba... ng hot dog at hamburger
Para lang makabili ng bahay sa Rancho Cucamonger.

Pero...

Ayos lang dito sa Southern California
Maraming kababayan, lalo na sa West Covina
Mga tindahan ng bangus, bagoong at pandesal
Para kang nasa Pilipinas, may estatwa pa ni Rizal.

At saka...aba, teka, tila yata nahihilo ako
Bakit gumagalaw itong computer table ko?
Yumayanig itong building... naku po earthquake ito!
Diyan na muna kayo, kailangan akong tumakbo!

No comments: